Minsan sa harap ng mesang madungis
Tayo’y nagkantahan,
Naglabas ka ng ‘gin’
Pagtagay ay sinimulan.
Sa una’y madamot ang mga salita
Kapagdaka’y bumulwak
Tulad ng alak na nilagok ng sikmura.
Mapait ang unang ’shot’
May dalang hapdi sa dila
Ngunit dahil sa mga ’strums’ mo
Sa sintunado mong gitara
Tamis ng bawat lagok unti- unting lumasa
Di ko namalayang sa ere ng dilim
Puso ay nakikanta.
Ang mesang madungis
Madalas mag-anyaya.
Pulutan ay hangin…
Pagtagay ang sayaw…
Bawat kwento’y may sigaw…
Hay…
Kaytamis ng alak
Pag ikaw ang kasama…
Sige upo lang…
Mahal…
Sa aking mesa!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment